LUMPIA NA MAY KAMOTE RECIPE



MGA SANGKAP:


1 tasang baboy, hiniwa ng maliliit

6 kutsaritang mantika na galing sa taba ng baboy

3 ulo ng bawang, pinitpit

1 katamtamang laking sibuyas, hiniwa-hiwa

1/2 tasang tokwa, hiniwa ng maliliit na kuwadrado

1 tasang hipon, binalatan

1 tasang sitaw, hiniwa ng tig-1 pulgada

1 tasang repolyo, ginayat

1 tasang kamote, hiniwa ng tig-1 pulgada pakuwadrado

1 tangkay ng celery, tinadtad

20 lumpia wrappers

asin



LUMPIA WRAPPER:


3 tasang arina

1 kutsaritang asin

5 tasang tubig

mantika



SARSA PARA SA LUMPIA:


6 kutsaritang cornstarch

1 tasang tubig

1/2 tasang toyo

1/2 tasang asukal na pula



PARAAN NG PAGLUTO:


1. Pakuluan ang baboy sa tubig sa isang kaldero hanggang lumabas ang mantika nito.

2. Hanguin ang baboy at patuluin.

3. Sa isang kawali, ilagay ang mantika na galing sa taba ng baboy.

4. Igisa ang bawang, sibuyas at tokwa kasama ang baboy.

5. Idagdag ang hipon, sitaw, repolyo, kamote at kaunting tubig.

6. Timplahan ng asin at lutuin sa mahinang apoy.

7. Isantabi at palamigin.

8. Palamutian ng celery sa ibabaw.



LUMPIA WRAPPER:



1. Salain ang arina sa isang malaking mangkok upang ito'y maging pino.

2. Haluin ang asin at tubig sa ibang mangkok.

3. Idagdag ang tubig sa arina para makagawa ng dough o masa.

4. Haluin maigi ang masa para ito'y mabuo.

5. Dagdagan ng tubig para lumambot ang masa.

6. Ipagpatuloy ang pagmasa at dagdagan ng tubig hanggang lumambot ang dough at maging kasing lapot ng heavy cream.

7. Magpainit ng isang kawali na may mantika.

8. Ibuhos ang 2 kutsarang dough habang pinapaikot ang kawali para makabuo ng manipis ng lumpia wrapper.

9. Malalamang luto na ang wrapper kapag ito'y namuo na at bumubula-bula. Hanguin ito sa kawali.

10. Maglagay ng 2 kutsara ng nilutong lumpia sa ibabaw ng lumpia wrapper. Ibilot ang wrapper at idikit ang mga dulo nito. Ihain kasama ang sarsa sa tabi.


SARSA PARA SA LUMPIA:


1. Ilagay sa isang maliit na kaserola ang mga sangkap.

2. Palaputin ang sarsa sa pamamagitan ng paghalo nito sa mahinang apoy. Alisin sa kalan at palamigin.

Comments