Posts

LUMPIA NA MAY KAMOTE RECIPE

Image
MGA SANGKAP: 1 tasang baboy, hiniwa ng maliliit 6 kutsaritang mantika na galing sa taba ng baboy 3 ulo ng bawang, pinitpit 1 katamtamang laking sibuyas, hiniwa-hiwa 1/2 tasang tokwa, hiniwa ng maliliit na kuwadrado 1 tasang hipon, binalatan 1 tasang sitaw, hiniwa ng tig-1 pulgada 1 tasang repolyo, ginayat 1 tasang kamote, hiniwa ng tig-1 pulgada pakuwadrado 1 tangkay ng celery, tinadtad 20 lumpia wrappers asin LUMPIA WRAPPER: 3 tasang arina 1 kutsaritang asin 5 tasang tubig mantika SARSA PARA SA LUMPIA: 6 kutsaritang cornstarch 1 tasang tubig 1/2 tasang toyo 1/2 tasang asukal na pula PARAAN NG PAGLUTO: 1. Pakuluan ang baboy sa tubig sa isang kaldero hanggang lumabas ang mantika nito. 2. Hanguin ang baboy at patuluin. 3. Sa isang kawali, ilagay ang mantika na galing sa taba ng baboy. 4. Igisa ang bawang, sibuyas at tokwa kasama ang baboy. 5. Idagdag ang hipon, sitaw, repolyo, kamote at kaunting tubig. 6. Timplahan n